saan ka na, atbp.
i ran into an old friend. nakakatuwa at nakakatawa. na-realize ko lang recently na may sinusunod pala akong etiquette pag may nakita akong long-lost acquaintance.
“kristy?” or “(insert name here) + (insert question mark)”
ito ang pambungad ng kausap mo. hindi siya sigurado kung ikaw nga talaga ‘yung nakita niya. may halo pang gulat ‘pag sinabi niya ‘yung pangalan mo. siguro sa utak ng kausap mo, matagal ka nang binenta sa mga yakuza sa japan at hindi siya makapaniwalang buhay ka pa rin.
“kumusta ka na?”
kahit nasa gitna pa kayo ng daan, kunwari concerned kayo sa isa’t isa. siyempre, sa tagal niyong hindi nagkita, hindi mo alam kung paano sisimulang sagutin ang ganitong tanong. kaya madalas, ang sagot ay “ayun.” to be polite, tatanungin mo rin siya nitong tanong na ‘to.
“ayun.” or “‘eto.”
napaka-vague na sagot. parang buong buhay mo for the last five years ay maiintindihan ng kausap mo kapag ito ang sinabi mo. para sa ‘yo, magfa-flashback ang buhay mo kapag sinabi mong “ayun.”, pero para sa kausap mo, wala kang kwentang kausap. wala siyang maiintindihan kaya open to infinite interpretations ang “ayun.” or “‘eto.”
“graduate ka na?”
dalawa ang ibig sabihin ng tanong na ito. kapag hindi pa graduate ang taong nagtanong nito, ang ibig sabihin ay, “i honestly hope na palamunin ka pa rin tulad ko. para hindi naman ako ma-insecure.” ito ang assurance ng nagtanong na hindi siya ang nag-iisang tanga sa mundo.
at kung graduate naman ang nagtanong nito, ang ibig sabihin ay, “ako graduate na. belat. pero don’t feel bad. not too much, anyway.” para sa isang graduate na nagtanong nito sa ‘yo, ito na ang prompt para tanungin mo siya kung graduate na siya, para mapagyabang niya sa’yo na tapos na siya sa ginagalawan mong impyerno.
(dead air)
ang dead air ang pruweba na hindi pala talaga kayo close ng kausap mo. pareho kayong nag-iisip ng pwede pang itanong or ikwento. pero kahit ano pa ang sabihin mo after ng dead air, hindi niyo rin naman matatandaan ang kwento ng isa’t isa. dahil wala naman talaga kayong pakialam, e. hindi nga kayo close, ‘di ba?
“saan ka na?”
tinatanong ka na kung saan ka papunta. dahil katakut-takot na dead air ang pinag-daanan niyo, naisip ng isa sa inyo na itanong ang tanong na ito. pero imbis na magbukas ng bagong pag-uusapan, ang ibig sabihin nito ay sawa na kayong mag-usap. ang tanong na ito ay polite na pagsabing, “ayoko nang makipag-usap, olats!” tinatapos niyo na ang usapan. for added effect, kunwari titingin ka pa sa relos mo, tapos sasabihin mo na may pupuntahan ka pa at nagmamadali ka na. tapos. ayos. pero to be polite, tatanungin mo rin siya ng tanong na ‘to.
“iyon pa rin ba number mo?”
pahabol na tanong para kunwari walang bastusang naganap. ibig sabihin, (1) kunwari may number mo sa phonebook niya at vine-verify niya lang. pero wala ka talagang number sa phonebook niya. ngayon pa lang niya kukunin ang number mo. or (2) may number ka dati sa phonebook niya, pero binura na niya dahil akala niya nga ay binenta ka na sa yakuza. kaya kinukuha niya ulit ang number mo. para may mabura ulit siya kapag naisip niya ulit na binenta ka na sa yakuza. to be polite, kukunin mo rin dapat ang number niya.
kaya sa susunod na may nakita ulit akong old acquaintance, handa na ‘ko sa mga pwedeng sabihin. harhar. kunwari hindi ako anti-social.
Uncategorized |5 Responses to “saan ka na, atbp.”
Leave a Reply
ASS ang tawag diyan. Anti-Social Syndrome
bakit kasi hindi ako POP? hahahahahahaha.
POP?
popularrrrr. hindi acronym.
ni-link ko pala ‘to sa blog ko a… reference lang hehe